Napiling artikulo

Ang keso (mula sa Kastilang: queso) ay pagkaing gawa mula sa kinultang gatas ng baka, kalabaw, kambing, tupa at iba pang mamalya. Ang pagkukulta ay mula sa paghahalo ng kuwaho (rennet) o kahalili nito at pagpapaasim ng gatas. Ang bakterya ang nagpapaasim sa gatas at nagbibigay ng lasa at anyo sa karamihan ng keso. May ilang keso ang sadyang binabalutan o pinalolooban ng piniling amag (molds). Maraming uri ang keso. Ang iba’t ibang uri at lasa ng keso ay bunga ng paggamit ng iba’t-ibang bakterya at amag, iba’t-ibang dami ng taba ng gatas (milk fat), haba ng pag-iimbak nito, iba’t-ibang proseso tulad ng cheddaring (o pagtsetsedar), pagbatak, pag-aasin, paghuhugas sa amag at iba’t-ibang kasta ng baka, tupa at iba pang nagagatasang hayop. Ang kinakain ng hayop at pagdaragdag ng pampalasa tulad ng mga yerba, mga panlasa (spices), o usok ng kahoy ang iba pang nagdudulot ng kakaibang lasa o anyo sa keso. Kahit dumaan o hindi ang keso sa pasteurisasyon nagdudulot din ng kakaibang lasa ito. Sa ilang klase ng keso, kinukulta ang gatas sa pagdaragdag ng pampaasim tulad ng suka o katas ng kalamansi o limon. Karamihan ng keso ay pinaaasiman ng bakterya para atakihin ang asukal ng gatas upang maging asido laktiko at sinusundan ng pagdaragdag ng kuwaho upang makumpleto ang pagkulta. Ang kuwaho ay isang ensima (enzyme) na tradisyonal na kinukuha sa mga pileges sa loob ng tiyan ng batang baka na ngayon ay ginagawa na sa laboratoryo. Mayroon ding kahaliling ‘kuwahong mula sa halaman’ na katas mula sa pamilya ng halamang cynara o thistle (kardo).
Alam ba ninyo ...

- ...na ang mga sinaunang megalitong nuraga o nuraghe (nakalarawan ang Nuraghe Losa) ang simbolo ng Kabihasnang Nurahiko ng Cerdeña?
- ...na sa Cebu, kilala ang "litson" bilang inasal sa Bisaya hanggang napalitan ito ng impluwensyang Tagalog na "lechon" noong dekada 2000?
- ...na nagsampa ng petisyon si Solisitor Heneral Menardo Guevarra para kanselahin ang sertipiko ng kapanganakan ni Alice Guo, alkalde ng Bamban, Tarlac, na inisyu ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas, kasunod ng mga pagdududa sa kanyang pinagmulan at pagkamamamayan?
- ...na nakabuo ang OpenAI, ang may gawa ng ChatGPT, ng ilang malalaking modelo ng wika na nailabas sa mga open source na modelo dati?
Sa araw na ito (Hulyo 22)

- 1478 — Ipinanganak si Felipe I ng Castilla, Hari ng Espanya.
- 1976 — Huling pagbabayad ng Hapon sa Pilipinas sa mga krimen nito sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
- 1977 — Nanumbalik sa kapangyarihan si Deng Xiaoping.
Napiling larawan

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.
May-akda ng larawan: NASA
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng . Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
48,745 artikulo |
166 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan
- Ipinabatid ni Kardinal Kevin Farrell, Kamarlengo ng Banal na Simbahang Katolika, na namatay na si Papa Francisco (nakalarawan sa kanan) noong umaga ng Lunes ng Pagkabuhay, sa gulang na 88.
- Inilibing ang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at tinaguriang Superstar ng pelikulang Pilipino na si Nora Aunor (nakalarawan sa kaliwa) sa Libingan ng mga Bayani.
- Pitong katao ang namatay sa isang maramihang pananaksak nang pumasok ang isang lalaki sa isang panaderya at inatake ang mga natutulog na mga trabahador sa Antipolo, Rizal, Pilipinas.

-
Repositoryo ng midya -
Datos ng kaalaman -
Mga sipi -
Diksiyonaryo -
Direktoryo ng mga espesye -
Wikivoyage
Gabay sa paglalakbay -
Wikisource
Aklatan -
Wikiversity
Kurso at aralin -
Balita at kaganapan -
Aklat-aralin at manwal -
Librerya ng mga punsyon -
Paggawa ng software na wiki -
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia


-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo